
dehins na bago ang blogging saken. matagal-tagal na rin akong palundag-lundag sa iba’t-ibang blog… nung una pabasa-basa lang, pakoment-koment, hanggang sa pumasok sa kukote kong… “bakit sila lang? may K din naman ata akong makisiksik sa blogworld…” , kaya eto ako ngayon at eepalan ang bawat araw niyo.
maaaring guluhin ko ang araw niyo at pwede ko rin namang bigyang–kulay na parang sinabawang gulay. pero anu’t ano pa man ang maging epekto ko sa buhay niyo… sisiguraduhin kong me aftershock ang bawat sasabihin ko.






