h1

Sapakan!

Oktubre 6, 2008

Marami-rami rin naman ang nainom kong Redhorse sa videoke bar. Marami-rami na rin ang awiting kinanta ko. Medyo hilo na ako pero pinipilit ko pa ring diretso ang paglalakad ko pauwi. Naabutan ko ang inuman sa bahay. Generoso naman ang nilalapastangan nila. Napaupo ako at napakwento. Tinagayan ako – pinaunlakan ko sila. Masinsinan kong kinausap ang mga ka-tropa ko lalo na si Arn.

“Bakit bigla kang nagbago? Bakit kung kelan malapit na kitang mahalin saka ka sumuko!” ang naaalala kong nawika ko habang nasa bubong kami ng kaibigan/sexmate ko. Marami akong nasabi. Hindi ko na rin matandaan kung anu-ano. Pero naaalala kong lumuha ako ng todo nung mga oras na iyon. Gago ako. Bakit ko sinabi ang mga bagay na iyon sa kaibigan/sexmate ko gayong hindi ko naman talaga siya mahal. Oo, aaminin ko, nanibago ako at nakaramdam ng kaunting kirot nang malaman kong may syota na syang TOMBOY. Naisip ko kasing dati-rati ako ang priority niya, ni ayaw niyang tumigil sa kakatext ng mga kakornihan sa araw-araw – biglaan ang pagbabago. Kaya siguro nanibago ako sa mga nangyayari.

“Hinahanap kayo ni Arn at GALIT na GALIT siya sa inyo!” ang wika ng isa naming ka-tropa nang bumaba kami mula sa bubong. Si Arn ang ex-husband ng aking kaibigan/sexmate, may dalawa na silang anak na pawang mga bata pa. Nakasalubong ko si Arn – “Hindi ko gusto ang ginawa niyo!” ang naaalala kong sinabi niya nang nagkasalubong kami. Biglaan ang mga pangyayari. Nagdilim ang paningin ko. Bumalik ako sa katinuan ko habang inaawat kami ng mga tao. Nagbanatan na pala kami. Inilabas ko ang LAHAT ng sama ng loob ko sa kaniya. Ako ang mabuting tao – BIHIRA akong masangkot sa basag-ulo. May black-eye siya at namamaga pa ang mata niya. Maraming umaawat – pero patuloy ang batuhan namin ng maaanghang na salita. Humupa ang kaguluhan. Itinamang pilit ang mga kamalian. Sa huli nagkamay kami. Pero napatunayan ang lahat ng dapat na patunayan ng bawat isa samin.

Matagal-tagal na mula nang magkabangga kami ni Arn. Dahil sa babae. Ngayon, dahil pa rin sa babae. Ayokong tanggaping MALI ako dahil alam ko na wala akong ginagawang masama para bastusin ang pagkatao ko na para bang kapag nagalit siya ay yuyukod ako.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano nangyari ang banatan namin – wala akong matandaan. Sinabi nila sakin na bigla ko na lamang daw pinagsasapak si Arn. Hindi ko alam. Parang NABURA ang ilang segundo ng mga pangyayari sa alaala ko. May MALI ako pero may MALI rin siya. Hindi ko lamang siguro nakontrol ang sarili ko nang magdilim ang paningin ko sa sinabi niya.

3 mga puna

  1. mga babae nga talaga…

    MAKOY: hahahaha! sinabi mo pa…


  2. at talagang sina kenshin at sano ang ginamit mong images dito ha! ayos! in-imagine ko na lang na sina kenshin nga!

    MAKOY: inimagine lang. sayang naman…


  3. ang sasabihin ko lng ay maganda na itong na ipost mo dito sa wordpress.. na-exprience mo na ito sa sarili mo??? may itatanung ko lng pero wag kang magagalit sa akin ah. bakla ka ba o totoong lalaki ka..?



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: