Archive for Hulyo, 2008

h1

Minsan Ka Pang Bumalik

Hulyo 29, 2008

Mabilis akong bumalik sa pinanggalingan ko kani-kanina lang. Nakalimutan ko kasing kunin ang tsinelas kong puti. Kailangan ko pang umuwi ng bahay dahil magbibihis ako at kukuha ng NBI Clearance sa Carriedo.

Sa di-kalayuan, may isang taong nakatagilid, nakayuko… medyo madilim man ang paligid, medyo naaaninag ko ang kanyang mukha… ewan kung bakit tila namagnet ako sa taong iyon. Parang kilala ko siya… Sinilip ko ang ilalim ng mesang kanina lamang ay kinauupuan ko sa madilim na eskinitang iyon. Inisa-isa ko ang mga iba’t-ibang pares ng mga tsinelas na naroroon.

Nakita ko ang isang piraso ng tsinelas ko.

Nasa tagiliran ko na siya… saka siya nagwika na aking ikinabigla.. “Mak?” PUCHA! Pamilyar ang tinig na iyon. Bigla ang pagsambulat ng mga nakaraan sa utak ko. Ano ang ginagawa niya? Bakit siya nandito? Bakit ngayon ko lang siya nakita? Bakit dito pa sa lugar na ito. Hindi ko na sana siya papansinin pero ayoko atang maging bastos.. “O kamusta buhay?” ang nawika ko. “Na-miss kita…” ang wika niya… napalingon ako sa kanya at nasilayan ang nagsusumamo niyang pagmumuka. Taenang buhay to… namiss niya ako? Nagpapatawa ba siya. Lumipas na ang ilang buwan. Lampas na ang bertdey ko, ni hindi man lamang siya nagparamdam. Ngayon na-miss niya ako? O… c’mon.

Patuloy siya sa kanyang pagsasalita pero tila hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya. Nabibingi ako sa nagsusumigaw na mga ala-ala sa isip ko. “Pasensiya na, nagmamadali ako.” ang tanging nasambit ko saka patakbong nilisan ang kinaroroonan namin, bitbit ang isa pang piraso ng tsinelas kong puti.

Napabalikwas ako ng gising. Anak nang, hindi nag-alarm ang cellphone ko. Alas-diyes na ng umaga, balak ko pa namang gumising ng maaga para kumuha ng NBI Clearance sa Carriedo. Mabilis ang kilos ko. Isinuot ko ang isang piraso ng tsinelas kong puti at yumuko para hanapin ang isa pang pares nito… Bigla ang pagsaksak sa isip ko… Napanaginipan ko siya. Bakit ba kailangan ko pa siyang maalala. Hinatak ko sa ilalim ng lamesa ang isa pang piraso ng tsinelas kong puti at isinuot ito.

h1

Kaibigan o Sexmate?

Hulyo 27, 2008

Napansin ko lang. Sunud-sunod na ata ang ginagawa kong pakikipagsex sa “kaibigan” ko. Yap! KAIBIGAN ko, as in friend lang talaga. Mula pa kasi nung birthday ko eh nandito na sila natutulog ng kapatid niya sa bahay namin. GF kasi ng younger brother ko ang kapatid niya at ex-girlfriend ko naman siya from way way back.

Nakakapagtakang walang nangyari between us noong kami pa. At ngayon nga umaarangkada ang kalibugan namin sa isa’t-isa. Paulit-ulit niya akong sinasabihan na mahal na daw niya ako. Para sakin oo sige MAHAL ko siya… pero tingin ko pa rin sa kanya eh kaibigan lang. Hindi ko nga alam kung bakit. Single naman siya, maganda, matangkad, maraming nanliligaw. Ewan ko nga ba ba’t ako pa ang gusto niya. Mula kasi nang masimulan naming mag-sex sa mismong tabi ng natutulog nang kapatid niya at kapatid ko eh hindi na namin tinigilan. Gabi-gabi na naming ginagawa. It seems like masyado atang bastos ang entry ko na ito… pero NORMAL lang naman na makipag-sex diba? Eh sa yun ang medyo bago sakin ngayon eh.

Isang beses pa nga eh FOUR rounds kaming nag-sex in one night *that time eh nasa kwarto ko na at wala na kaming katabi*… Iba kasi ata talaga kapag may katabi kang babae. Minsan nga natatawa na lang ako habang nagsesex kami at naaalala kong MAGKAIBIGAN nga lang pala kami.

Pero hindi ko pinagsisisihan ang bawat pangyayari… I actually enjoyed every second of it. Siguro nga lalaki lang talaga ako. Hmmmn. Normal lang ang ginagawa namin… pero parang may kulang, parang medyo may mali, parang may kaunting flaw… Mali bang magmahal ng isang kaibigan, Mali bang magkaroon ng malisya ang pagkakaibigan?

h1

Patutsada

Hulyo 21, 2008

dehins na bago ang blogging saken. matagal-tagal na rin akong palundag-lundag sa iba’t-ibang blog… nung una pabasa-basa lang, pakoment-koment, hanggang sa pumasok sa kukote kong… “bakit sila lang? may K din naman ata akong makisiksik sa blogworld…” , kaya eto ako ngayon at eepalan ang bawat araw niyo.

maaaring guluhin ko ang araw niyo at pwede ko rin namang bigyangkulay na parang sinabawang gulay. pero anu’t ano pa man ang maging epekto ko sa buhay niyo… sisiguraduhin kong me aftershock ang bawat sasabihin ko.