h1

Holdaper.

Setyembre 29, 2008

Kagagaling lang namin ng mga kaibigan ko sa isang event. 1:00 AM na yun. Naisipan na naming sumakay ng taxi pero bigla namang dumaan yung jeep na didiretso na sa amin kaya sumakay na kami. Umupo ako sa bukana, katapat ko si Allen na nasa kabilang bukana rin, may kaunting awang na naiwan na hindi na kakasya ang isa pang tao kung sasakay siya. Katabi niya naman ang girlfriend na si Michelle.

May sumakay na aleng may bitbit na groceries – na umupo sa linya ng inuupuan ko pero nag-iwan ng espasyo – kaming apat lamang ang laman ng jeep that time. Bakante ang harapan, pati yung nasa malapit sa driver.

Biglang me sumakay na isang madungis na lalaki – na sinundan ng isa pa. Dahil nga madudungis sila at dis-oras na ng gabi, naisip kong mga HOLDAPER sila. Umupo yung unang lalake sa pagitan namin ng aleng maraming bitbit na groceries. Umupo naman yung isa pang lalake sa maliit na espasyo sa bukana ng jeep – pinagkasya niya ang sarili niya doon kahit napakalaki pa ng space sa harapan o sa malapit sa driver. Nagsesenyasan yung dalawang lalaki, may tango – may smile, at isa-isa kaming tinitingnan. Hinuli ko ang mata ni Michelle. Nagkatitigan kami. “May masasakyan kayang jeep dito pa-diretso ng SM?” ang wika ni Michelle. “Meron ata!” ang wika ng lalake. Hindi pa rin nagdedesisyon sina Michelle. Umandar na ang jeep. Hindi pa man kami nakakaabot sa kabilang kalye… “Ma… PARA!” ang wika ko sa driver. Napatingin sakin silang lahat, pati ang dalawang lalaki. “Baba na tayo dito!” ang wika ko sabay baba ng jeep, sinundan naman ako kaagad nina Michelle at Allen. Nakatitig samin ng masama yung dalawang lalaki. Samantalang yung aleng maraming bitbit na groceries naman eh nakatalikod pa rin.

Sumakay na lang kami ng Taxi. Hindi ko naman masenyasan yung ale dahil nakaharang yung isang lalake na halatang may dalang kung ano sa ilalim ng damit niya. Hindi naman ako bayani para iligtas pa yung ale. Dibale sana kung me mga dala rin kaming mga weapons – o kaya me super powers kami. Hindi rin naman kalakihan ang katawan namin ni Allen. May kasama rin kaming babae kaya iniligtas na lamang namin ang aming mga sarili. Sorry na lang dun sa ale. Sana naman hindi siya napaano.

14 mga puna

  1. buti naiwasan niyo.. kawawa naman si ale… dumarami na talaga ang mga halang ag kaluluwa sa sa lansangan..

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    MAKOY: oo nga. grabe sila no?


  2. sana di nga napano ung babae.

    MAKOY: sana talaga!


  3. nilink na nga pala kta hehe tnx for reading my blog ah.

    MAKOY: oo nman. salamat pare.


  4. hehehe… na-alala ko tuloy yung time na kami naman ang nasa jeep at naholdap. kawawa nga lang yung holdaper… 4kami magkakasama puro bading, di nga lang basta bading, mga varsity kami ng volleyball..
    wahaha ang kaawa-awang holdaper ginamitan namin ng magical powers, combo attack, lightning strike at fatality. ending ni holdaper, nakuyog sa presinto.

    just shows why you cant mess with gay-guys.. hehe.

    MAKOY: oo nga naman. hehehe! di komo gays eh walang laban.


  5. buti na lang at may presence of mind ka at si michelle. kawawa yung ale. sana nga walang nangyari sa kanya.

    MAKOY: sana nga wala talaga.


  6. Sana walang masamang nangyari sa babae.
    Kung meron man, Well masuwete ka kung wala naman hindi kaya naging judgemental ka dahil sa itsura nang lalake.

    MAKOY: hindi lang naman talaga sa looks nila. kundi sa senyasang ginagawa nila.


  7. makoy, ngayon lang ako nakapunta dito sa blog mo simula nung naghiatus ako’t nagcomment ka..
    hehehe..
    add kita sa links ko ha
    ingatz!!!

    MAKOY: naku i-add moko ha… pero wala ka nman iniwang link.


  8. Hala dadalawin ka nun kung may nangyari saknya :P

    buti naman nakawala ka agad. naku katakot naman jan sa manila. >.<

    MAKOY: oo nga eh katakot lang minsan… hehehe!


  9. oo nga naman! wala kayong weapon para kalabanin yung mga holdaper na yun!

    pero yung ale kawawa naman.
    sana hindi siya napano…

    MAKOY: sana nga no hindi.


  10. ganyan din ako. ginagamit ko discernemnt ko para malaman kung dapat bakong umalis pag ganyan na sitwasyon.. buti bumaba kayo.

    Kay dapat lagi kang listo sa mga kasama mo sa jeep!

    MAKOY: oo nga eh. dapat laging listo…


  11. siguro kung ako yun nahold-up na ako.. lagi kasi akong tulog sa jeep eh… sana okay lang si aleng groceries… juice ko!!! nasuspense naman ako sa kwento… cheers;p-glesy the great;p

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    MAKOY: oo nga po. sana mas okay pa siya sa olrayt. grabe.


  12. ay may shashare pala ako… once na akong parang hostage like pero hindi…. may nang hold-up sa bahay namin tapos kinuha ako binantaan magulang ko na papasabugin daw yung utak ko pag di nila binigay yung pera…. buti na lang mahal ako ng magulang ko kung hindi may i rest in piece na ako (baby pa ako nun)

    tapos yung grade 3 naman ako, nilooban ulit kami sa bahay… ayun tinutukan kami ng baril, mas nakakatakot pala pag mejo may isip ka na, natrauma akong lumabas nun… sensya nasa mood mag comment..

    cheers-glesy the great;p

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    MAKOY: ayos nga yun eh dapat nagcomment ka pa nang mas marami. pero nakaka-trauma nga yung ganun. GRABE. kinaya mo??? hahaha! napakayaman niyo siguro?


  13. hayzt!! buti nalng at nakaiwas kau. kaya lang kawawa ung ale ahah

    – oo nga po eh.


  14. haizzz…



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: