h1

Pangako…

Setyembre 2, 2008

“Pupunta ako sa birthday mo ha! marame bang handa? hehehe!” ang sabi ni Angel sakin isang buwan bago ang birthday ko. “Bahala na. Basta punta ka… hindi magiging kumpleto ang birthday ko kung hindi ka darating!” ang sagot ko naman. Saka kami naghiwalay ng landas.

—–

“Punta ka dito. Narito ako sa bahay ni Kuya!” ang text sakin ni Angel makalipas ang isang linggo. “Sorry busy ako. Madame kasi akong inaasikaso ngayon eh. Kita na lang tayo sa birthday ko.” ang reply ko sa kanya. “Toh naman. Sige na punta ka na! Minsan lang naman to!” ang textback niya. “Tangek.. sige na next time na lang. Punta ka na lang sa b-day ko. Wag mo kalimutan yung regalo ha! hehehe!” ang huling reply ko sa kanya.

—–

“Pssssst!” ang sitsit niya sakin – dumating siya makalipas ang isa na namang linggo, ilang araw na lang bago ang birthday ko. Hindi ko pinansin ang sitsit, hindi ko kasi sigurado kung siya ba talaga yun. Diretso lang ako sa paglalakad. Paglabas ko sinabi kaagad sakin ng isa kong kaibigan na nakita niya si Angel, hinahanap daw ako. Natatawa ako sa sarili ko kung bakit hindi ko pa siya pinansin pero naisip ko, darating naman yun sa birthday ko.

—–

Birthday ko na. Ayos na ang lahat. Isa-isa na ring nagdatingan ang mga bisita ko. Umarkila pa kami ng videoke machine at nag-ihaw ng napakaraming pulutan at nagluto ng iba pang handa. Pagabi na. Isa lang ang nasa utak ko. Bigla na lamang siyang magtetext na nariyan na siya o di kaya nama’y sisilip na lamang sa pintuan ng bahay namin. Dumating ang tatlong pinsan niyang kaibigan ko rin. Birthday rin ng tito nila ng araw na iyon. Pero pinaunlakan muna nila ako kahit sandali lang. “Nandun nga si Angel sa bahay eh. Hindi ba siya pupunta dito?” ang tanong ng isa niyang pinsan sakin. “Hindi.” ang tanging sagot ko. Malapit nang matapos ang birthday ko. Umaasa na lamang akong bigla na lang siyang magtetext, kahit batiin niya na lang siguro ako. Pero nabigo ako. Hindi siya dumating, hindi man lang siya nagparamdam… pero hindi ko alam kung bakit tila kumpleto pa rin ang birthday ko kahit wala siya.

Dalawang buwan na ang nakakalipas mula nang mangako siya. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya dumarating.

5 mga puna

  1. nang-aano ka kasi…

    hahaha…

    drink moderately…

    ;P

    MAKOY: nagkamali ako sa hindi pagbibigay ng panahon sa mga sandaling nanjan siya. bigla tuloy naglahong parang bula.


  2. parang nabitin naman ako dun.. parang biglang natapos na lang.. o ganun lang talaga??

    kakabitin… bakit kaya?#

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    MAKOY: siguro kasi sanay ka sa happy ending. ganyan lang talaga yan… parang may kulang pero sa totoo lang. hanggang jan na lang talaga.


  3. mahirap talaga ang mag intay ano? wag mo antayin, masarap makatanggap ng ng sorpresa, pramis.

    MAKOY: oo nga. pero anong magagawa ko. araw-araw naiisip kong nagiintay pala ako. hehehe!


  4. pinaka hate ko sa lahat maghintay. lalo na yung hindi ka sure kung darating yung hinihintay mo tapos winiwish ng puso mo na sana dumating sya. nakakapanlumo ang bawat minutong dumadaan….

    MAKOY: oo nga naman. ako din pinaka-hate ko ang paghihintay noon. pero ngayon parang okay na… sanayan lang yan.


  5. feeling to makoy,
    deciding factor niya sa pagpunta sa bday mo ang pagpunta mo sa kanya nung instance na yun..
    malay mo humihingi rin pala siya ng sign..
    hahaha!

    MAKOY: ganun. la na rin ako magagawa. la na eh…



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: