h1

Ito ang TAMA!

Agosto 30, 2008

Ilang linggo na rin ang nakakaraan… wala nang friction between me and sa kaibigan ko. Siguro iniwasan ko na rin, baka kasi humantong pa sa kung saan. Mabuti na rin yung nag-iingat. Madalas niya akong tinetext:

“Do you really love me?”

“If you don’t love me… FINE! alam ko naman sa simula pa lang na nagpepretend ka lang na mahal moko eh!”

“I Hate You!”

Madalas nababadtrip ako. Pano ba naman kasi, lagi na lamang bang ganun? Eh wala naman kaming usapang mahal ko siya bilang karelasyon eh. I told her from the very start na I Love Her because she is my FRIEND. Siguro iba nga talaga ang babae pag nagmahal. Hindi na rin kami masyadong nagdidikit at nagkukuwentuhan na gaya ng dati. Kamakailan, nag-inuman kami ng bestfriend kong si Arn na dating asawa naman niya. Naitanong ko kay Arn… “Mahal mo pa ba siya?” na walang gatol namang sinagot niya ng “Oo… SOBRA!” hindi na lang ako umimik. Siguro hudyat na yun para tuldukan ko na ngang talaga kung anuman ang namamagitan saming dalawa ng dating asawa niya.

Kailan lang. Napapansin ko nagiging CLOSE silang dalawa. Natutuwa ako. Pero hindi ko alam kung bakit tila me sundot pa rin sa puso ko. Medyo may kirot… pero siguro naninibago lang ako o kaya eh naiilang. Napapansin ko nagiging masayahin na naman siya, pakanta-kanta, pangiti-ngiti. Siguro panahon na para hayaan ko na sila. Yun naman talaga ang dapat eh. Siguro naman wala na talaga akong PAGMAMAHAL na nararamdaman sa kanya – hanggang KAIBIGAN na lamang kumbaga.

12 mga puna

  1. hay buhay, hindi talaga simple

    MAKOY: oo nga eh… hmmmn.


  2. indi alam ni arn na may gustu sayo ang dati niyang asawa? kunsabagay, mahirap pilitin ang puso kung talagang ayaw nito. maigi na rin ang dumistansya ka dun sa babae dahil malaking gulo ito sa inyong magkaibigan kung ipagpapatuloy mo pa nga.

    MAKOY: alam po ni Arn. pero hindi pa rin maganda di po ba?


  3. hai! men are really unpredictable.. kahit sarili nyo di nyo maintindihan. hehe!

    MAKOY: haha. parang ganun din ang babae ah!


  4. aww.. grabe.. :(

    pero ang cute nung picture.. hehe

    MAKOY: hmmmn. cute ba talaga? hehehe! oo nga ako din na-cutan eh.


  5. Ano na bang nangyari sa Mundo parang ang lilibog nang mga tao jan,Bagay ako jan.

    MAKOY: hahahaha! anlilibog talaga? grabe ha. yun naman talaga ang totoong nangyayari sa bawat tao sa kahit saan… hindi nga lang naisasambulat.


  6. mann pakawalan mo na siya… parang namang ang liit ng mundo at nagigitgitan kau… daming bebot sa tabi2… hehe.

    ang sarap sa pakiramdam kapag nakapagpalaya ka ng isang taong mahal na mahal mo.

    MAKOY: masarap ang pakiramdam kapag pinalaya mo ang isang taong hindi mo naman talaga mahal – pero masakit ata yung palayain ang mahal na mahal mo ah!


  7. perstaym ko dito.. ang alam ko.. hehehe..

    kumplikado yung ganyan, tingin ko, baka kasi sa isip lang nating sinasabing hanggang kaibigan lang ang lahat, pero ang totoo may nararamdaman pala tayo sa kanila,.. pero totoo rin naman na iba magmahal ang mga babae.. sa isang special na pagtrato mo lang sa kanila, minsan, hudyat na yun para mahalin ka nila ng sobrasobra..

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    MAKOY: oo nga. yun ang mahirap eh. akala lang nila… kaya tayong mga lalaki ang nahihirapan. hehehe! joke lang.


  8. buhay makulay!!! asust! :)

    MAKOY: makulay naman talaga ah! hehehe!


  9. pero alam mo okey na ung sinabi mo sa kanya na di mo talaga sya mhal at hanggang magkaibigan lang kayo kaysa naman umasa pa sya na mamahalin mo sya. diba?

    MAKOY: oo nga. tingin ko nga TAMA talaga yung ginawa kong yun.


  10. wow! ayus a… pwede ka na maging bayani kasi martir ka pala! hehheeh!

    MAKOY: oo nga eh. uy teka hindi naman ah!


  11. hayaan mo na. baka ito ang paraan para magkaayos silang dating mag-asawa. baka may part 2 pa ang love story nila.

    MAKOY: nakupo. mukha wala na talaga. dahil sa mga nangyayari ngayon. pero sana nga meron pa. at kung wala na talaga. sana naman maging matalik na magkaibigan man lang sana sila diba???


  12. astig nga kayo. kaya niyo mabuhay ng maayos (nga ba?) sa masikip ninyong mundo. di uubra sa akin ang maliit na mundo. na-cclaustrophobia ako.

    MAKOY: hahahaaha! kaya ba namin talaga. siya siguro. pero ako hindi ko na kinaya.



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: