Archive for Agosto 30th, 2008

h1

Ito ang TAMA!

Agosto 30, 2008

Ilang linggo na rin ang nakakaraan… wala nang friction between me and sa kaibigan ko. Siguro iniwasan ko na rin, baka kasi humantong pa sa kung saan. Mabuti na rin yung nag-iingat. Madalas niya akong tinetext:

“Do you really love me?”

“If you don’t love me… FINE! alam ko naman sa simula pa lang na nagpepretend ka lang na mahal moko eh!”

“I Hate You!”

Madalas nababadtrip ako. Pano ba naman kasi, lagi na lamang bang ganun? Eh wala naman kaming usapang mahal ko siya bilang karelasyon eh. I told her from the very start na I Love Her because she is my FRIEND. Siguro iba nga talaga ang babae pag nagmahal. Hindi na rin kami masyadong nagdidikit at nagkukuwentuhan na gaya ng dati. Kamakailan, nag-inuman kami ng bestfriend kong si Arn na dating asawa naman niya. Naitanong ko kay Arn… “Mahal mo pa ba siya?” na walang gatol namang sinagot niya ng “Oo… SOBRA!” hindi na lang ako umimik. Siguro hudyat na yun para tuldukan ko na ngang talaga kung anuman ang namamagitan saming dalawa ng dating asawa niya.

Kailan lang. Napapansin ko nagiging CLOSE silang dalawa. Natutuwa ako. Pero hindi ko alam kung bakit tila me sundot pa rin sa puso ko. Medyo may kirot… pero siguro naninibago lang ako o kaya eh naiilang. Napapansin ko nagiging masayahin na naman siya, pakanta-kanta, pangiti-ngiti. Siguro panahon na para hayaan ko na sila. Yun naman talaga ang dapat eh. Siguro naman wala na talaga akong PAGMAMAHAL na nararamdaman sa kanya – hanggang KAIBIGAN na lamang kumbaga.