h1

Wasakan…!

Agosto 23, 2008

Marami akong sikreto, karamihan dito eh alam ni Son. Siguro kasalanan ko rin kung bakit minsan, lalo at nakakainom ako eh ipinapakita ko sa kanya ang mga ginagawa kong kabulastugan… kagaya na lamang nang pakikipag-sex. Malamang sa mga hindi ko yun karelasyon, mga one-night stand na walang puknat.

Hindi ko man sinasabi sa kanya ang damdamin o nararamdaman ko – lalo sa ISANG TAO. Eh marami pa rin siyang nalalaman na tungkol sa IBANG TAO.

Binago ko iyon. Naging malihim ako. Wala na akong ipinapakita sa kanyang anumang bagay na maaari niya MULING IKWENTO sa ibang tao. Minsan sa sobrang CLOSE at PAGTITIWALA mo sa ibang tao… siya mismo ang SISIRA sa iyo. Yun ang natutunan ko.

Nabigla na lang ako nang ikuwento niya sa kasalukuyan kong karelasyon – ang LAHAT ng mga SIKRETO namin. Bakit ba niya bigla na lamang sinambulat sa pagmumukha namin ang lahat ng mga nalalaman niya tungkol sa akin? Ang kapal ng mukha niyang ipagduldulan ang NAKARAAN ko sa aking KASALUKUYAN! Wala akong magawa – Pinigilan ko siya sa paglalabas ng BAHO ko… pero parang biro lang sa kanya ang bawat salita ko at lalo pang ibinuyangyang ang mga LIHIM KO.

Naiinggit siguro siya sa akin. Kung bakit sa isang iglap ay nagbago ang landas na tinatahak ko. Naiinggit siya dahil hindi siya kasintapang at singgaling ko. Minsan naisip ko – HINDI KO SIYA KAIBIGAN. Bakit ba naman kasi kinakailangan niyang SIRAIN ang isang bagay na NAISAAYOS ko na.

17 mga puna

  1. meron talagang mga taong pinagkakakatiwalaan natin pero hindi naman pala dapat. at least alam mo na ang totoo nyang ugali. wag ka na ulit magkwento sa kanya baka nga naiiinggit lang sya sau. Okey? ok!


  2. Mahirap magcomment sa Mga sinasabi mo kasi sometimes may mga biro na nakakasakit na pero para sayo biro lang.

    Siguro dahil akala niya noon yun at its all in the past and di na mangyayari or siguro dahil insecure sha,and if insecure sha.Just wish him luck because honestly insecurity is a disease,Tell him to “Get well son Bitch”


  3. PRINSESA000: okay po. hindi ko na siya pagkakatiwalaan pa ng mga “DARKEST SECRETS” ko kahit kelan nyahahaha!

    BLACKSOUL: oo nga yun ang mahirap eh… sinasabi ko nang hindi na biro yung sinasabi niya tuloy pa rin siya I WISH HIM LUCK sa buhay niya.


  4. hay ang sama naman ng nangyari… bakit ba kasi may inggit pa? nakoooooo…..


  5. tama… you can’t trust anyone but yourself and HIM. Kasi naman… SUNTUKAN NA LANG, O! Pero you can’t blame him… May bibig kasi siya… devuh?! hindi na pinapatulan ang mga ganong tao… dapat don tinatanggal na sa system… SOLAR SYSTEM!.. :P tawagan mo si Boggart…pasabugin mo! jowk lang! :D


  6. ai syet nakakarelate ako jan parekoy, itanong mo pa kay santa clause! :lol: grabe, parang si ate charo na ikinwento buong buhay ko sa whole world wide web. Matuto na tayo, hakhak.

    “Bakit ba naman kasi kinakailangan niyang SIRAIN ang isang bagay na NAISAAYOS ko na.”

    – andami talagang pakialamero/a sa mundo. sabi ko nga. my fault is my fault. i have all the right to spread it to the world or keep it inside. akin un eh, dba? diba?? haha. andaming mangaagaw ng problema, sarili mong problema pinagkakalat nila, bakit kaya yung hindi kanila ung ihasik? nyahaha. ayun! apir!


  7. PRINSESAMUSANG: oo nga bakit ba kasi…. hmmmmmn.!

    LEE-YOW: oo may NAPAKALAKI SIYANG BUNGANGA! Kakabadtrip pa… hay naku naku naku!

    MUMUSAKANTO: oo nga at NATUTO nako ng SOBRA-SOBRA i min BONGGANG-BONGGA nyahahahahaha!


  8. isang lang masasabi ko yan:
    WALA SYANG WENTA para syang TAE! TAE!
    dont wori dude may KARMA pa naman!
    asust :)


  9. oo naman. naisip ko nga rin yun. hahahaha!


  10. mabuhay! napadako lang sa blog nimo…

    in fairness sa iyo may theme ang mga blog entries mo ha, nakakaloka! anyway…

    hindi ko matukoy kung betrayal or karma ang mga pangyayari. siguro a little bit of combination nung 2. pero what important naman di ba eh nagbago ka na nga. masaklap lang eh kung bakit si dabarkad mo pa ang pasaway na chuchu sa paligid.

    d bale ang pamatay naman diyan eh. kahit ano pang gawin niya eh, gf mo pa rin si girl at ikaw pa rin si makoy. di matitibag. yun oh!


  11. salamat sa pagdaan kaibigan… oo tama. ako pa rin si Makoy at walang titibag nun. hmmmp!


  12. Baka naman type nya ang gf mo at gusto sulutin? di kaya? hehehe…. kaya dapat meron ka parin i rereserve sa sarili mo dahil hindi mo alam ang mga pangyayari. ok lng naman may privacy ka tinatawag eh.. tsaka yung mga ganyang bagay dapat pinag uusapan ng may decency.kahit kami ng Bespren ko pag mejo private na hindi na namin kalkalin kasi hindi naman kailangan na detailed lahat diba? ( lalo na pagdating jan sa mga sikreto nyo ng bespren mo.)


  13. uy wait lang hindi po siya yung BESTFRIEND ko ha… close friend ko lang po siya dati. hehehe!


  14. sabi nga nila mabuting kaibigan masamang kaaway…

    MAKOY: oo nga… GRABE totoo pala iyon no?


  15. be proud of your one night stands.. it makes a person stronger and wiser.. you learn from it so what the hell.. shout and be proud!

    you’re there to win it! :)

    MAKOY: hehehe! pero diba? bakit kailangang sabihin niya sa present ko.


  16. tsk tsk… naka-relate ako… nangyari din sa akin yan… kaso napa-sobra ang pagiging malihim ko… anyway, sa tingin ko mas ok yun… wala akong inaalala pag may gagawin akong kasalanan. hehehe.

    MAKOY: oo nga. mas magandang kaw na lang nakakaalam ng baho mo diba??


  17. inseceruties yan..mnsan d maiiwasan na may mainggit sa pagbbgo mo lalo na’t nagagawa mo ‘to ng maayos at masaya.. yngat nlng s pagpili ng pagkakatiwalaan.. :)

    MAKOY: sinabi mo pa! nag-iingat na nga eh hehehe!



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: