h1

Noon at Ngayon

Agosto 10, 2008

Dire-diretso lang akong naglalakad. Hindi man ako nakatingin nang direkta, alam kong may nakasilip sa bintana nila. Hindi ko na pinansin kung sinuman iyon, basta’t diretso lamang ang tingin ko.

“Makoy….!” ang sigaw ng isang pamilyar na boses na mula sa bintana nila. Lumingon ako at ngumiti. “Oy… tara PC tayo, baba ka!” ang tangi kong naisagot sa kanya. Abot-tenga ang ngiti niya at sinabing hintayin ko lamang siya at bababa na siya. “Kala ko hindi moko papansinin eh!” ang nakangiti niyang wika. “Bakit naman hindi kita papansinin? Ungas ka talaga no?” ang sagot ko naman.

Medyo nagkamustahan kami. Nagkuwentuhan sa mga latest happenings sa mga buhay namin. Ni hindi kami nakakadama nang kaunting pagkailang sa isa’t-isa bagamat iba pa rin ang pakiramdaman namin habang magkasama. Sa sandaling panahon lamang ay masyado nang maraming malulupit at matitinding pangyayari ang namagitan sa buhay namin. Ilang beses naming nasaktan ang damdamin nang isa’t-isa at ilang beses ring muntik nang magkasakitan nang pisikal. Hindi man namin maamin sa mga sarili namin, talagang hindi na maibabalik pa ang nasira naming pagkakaibigan. Wala na ata kaming tiwala sa katapatan ng bawat isa. Nasira ang lahat NOON dahil sa iisang tao. Naayos rin naman ang lahat makalipas ang medyo matagal na panahon, at ang iisang tao pa ring iyon ang DAHILAN ng pagkakasira naming dalawa NGAYON. Pero mas MATINDI nga lamang ang sa ngayon.

Wala akong balak na makipaglaban dahil sa rasong nanira sa amin ngayon, na sumira sa amin noon. Pero wala akong magawa kundi ang harapin ang katotohanang DAMAY na ako sa natatanging RASON na iyon na nagbibigay ng matinding pasakit sa buhay niya. Siguro mananatili kaming ganito sa mas mahaba-haba pang panahon. Sa ngayon ayos kami, pero hindi ko na kontrolado ang anumang mangyayari.

Ang rason noon, MAHAL ko pa pala ang ex-girlfriend ko na noo’y girlfriend niya, pero mas pinili siya ng babae at pinilit ko pa ring ipinaglaban kahit BIGO ako.

Ang rason ngayon, naghiwalay na sila ng asawa niya kahit mahal na mahal niya pa ito at sinasabi naman ng asawa niya na ako na ang MAHAL nito, kahit lumipas na ang damdamin ko dito.

12 mga puna

  1. Ahhh eehhh..masyadong complicated…wahahaha~!!
    hanap ka na lang muna ng iba bro ^^


  2. haha… ang gulo ng pag-ibig…. medyo nakaka-relate ako sa kinahitnan ng pagkakaibigan nyo… ganun talaga when its over, its over… pagnagkita uli… hindi nyo na pag-uusapan yung pnag-awayan nyo… umpisa uli ng kwento ng pagkakaibigan nyo.


  3. tsk..tsk.. asust :)


  4. tnx for dropping by my spot makoy

    question bading ka ba?

    curious lang wag magalit


  5. ang lungkot naman ng kwento… true to life ba to?


  6. Anubayan.. parang kanta. Siguro nung mga panahon na sila nung friend mo, favorite ni RASON yung kantang

    “Are you gonna stay with the one who loves you? or are you coming back to the one you love?”


  7. WEI VINES: oo nga eh… hehehe!

    ROLAND: hangga’t maaari umiiwas ako sa hindi magagandang usapan… na pwedeng magbalik ng nakaraan.

    AGA: :-(

    TURISMOBOI: hahaha. am not mad. y u ask?

    BADOY: yup Bads TRUE To Life ito.

    THEMISEDUCATIONOFZAPPED: HAHAHA!


  8. napakaliit naman ng mundo ng inyong pag-iibigan. parang umiikot lang sa inyong tatlo. so complicated!


  9. oo sobrang komplikado. umikot lang sa aming tatlo ang labstory namin pare-pareho. hehehe!


  10. huwaw.. ayoko ng ganyang lab stori nakaakbuang =)) hahaha.. jk,. komplikado nga, parang kape lang, 3 in 1!


  11. oo nga eh. 3 in 1… pucha mahilig pa naman akong magkape. hehehe!


  12. meet po tayo… pati friends mo. hehehe.



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: