h1

Minsan Ka Pang Bumalik

Hulyo 29, 2008

Mabilis akong bumalik sa pinanggalingan ko kani-kanina lang. Nakalimutan ko kasing kunin ang tsinelas kong puti. Kailangan ko pang umuwi ng bahay dahil magbibihis ako at kukuha ng NBI Clearance sa Carriedo.

Sa di-kalayuan, may isang taong nakatagilid, nakayuko… medyo madilim man ang paligid, medyo naaaninag ko ang kanyang mukha… ewan kung bakit tila namagnet ako sa taong iyon. Parang kilala ko siya… Sinilip ko ang ilalim ng mesang kanina lamang ay kinauupuan ko sa madilim na eskinitang iyon. Inisa-isa ko ang mga iba’t-ibang pares ng mga tsinelas na naroroon.

Nakita ko ang isang piraso ng tsinelas ko.

Nasa tagiliran ko na siya… saka siya nagwika na aking ikinabigla.. “Mak?” PUCHA! Pamilyar ang tinig na iyon. Bigla ang pagsambulat ng mga nakaraan sa utak ko. Ano ang ginagawa niya? Bakit siya nandito? Bakit ngayon ko lang siya nakita? Bakit dito pa sa lugar na ito. Hindi ko na sana siya papansinin pero ayoko atang maging bastos.. “O kamusta buhay?” ang nawika ko. “Na-miss kita…” ang wika niya… napalingon ako sa kanya at nasilayan ang nagsusumamo niyang pagmumuka. Taenang buhay to… namiss niya ako? Nagpapatawa ba siya. Lumipas na ang ilang buwan. Lampas na ang bertdey ko, ni hindi man lamang siya nagparamdam. Ngayon na-miss niya ako? O… c’mon.

Patuloy siya sa kanyang pagsasalita pero tila hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya. Nabibingi ako sa nagsusumigaw na mga ala-ala sa isip ko. “Pasensiya na, nagmamadali ako.” ang tanging nasambit ko saka patakbong nilisan ang kinaroroonan namin, bitbit ang isa pang piraso ng tsinelas kong puti.

Napabalikwas ako ng gising. Anak nang, hindi nag-alarm ang cellphone ko. Alas-diyes na ng umaga, balak ko pa namang gumising ng maaga para kumuha ng NBI Clearance sa Carriedo. Mabilis ang kilos ko. Isinuot ko ang isang piraso ng tsinelas kong puti at yumuko para hanapin ang isa pang pares nito… Bigla ang pagsaksak sa isip ko… Napanaginipan ko siya. Bakit ba kailangan ko pa siyang maalala. Hinatak ko sa ilalim ng lamesa ang isa pang piraso ng tsinelas kong puti at isinuot ito.

10 mga puna

  1. hakhak

    anggaleng pramis

    hakhak

    elyens

    XXXxx


  2. Sino siya? nakaka intriga ah. parang mga drama sa tabloid! nyahahaha.. maypart 2 ba to, makoy?


  3. bakit kailanagn mo siyang maalala? para may ma blog..hehehe


  4. Nice blog makoy nawa’y dumami ang tulad mo. I like your creativity. :)


  5. cguro gusto nyang bumalik sa buhay mo… ex mo ba? hehe


  6. havaianas ba yong tsinelas?hehe..pero astig ha ang pagkakagawa.. keep it up!


  7. RIMEWIRE: salamat po…

    THEMISEDUCATIONOFZAPPED: marami akong kwento tungkol sa taong iyan. sa ngayon eh wag muna.

    WEI VINES: oo nga ano? hahaha!

    COMPUMATICS: salamat!

    ROLAND: maaaring EX ko siya at maaari rin namang HINDI KO SIYA EX! hahaha! siguro nga gusto niyang bumalik.

    MHAR: hindi siya havaianas hehehe! astig ba? salamat po.


  8. parang nabasa ko na toh.. o baka nabasa ko na nga ito, hindi lang ako nagcomment. hahahaha! apir!


  9. BATOPIK: malamang hehehe!


  10. baka naman ikaw ang nakamiss? special participation ang puting tsinelas ah.

    MAKOY: maaaring ako nga ang nakaalala haha! grabe ha. oo naman eh puting lelas ko yun.



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: