
Pano Kung Bumalik Sya?
Setyembre 18, 2008Gusto ko katabi kita…
Gusto ko andiyan ka…
Gusto ko kasama kita lagi…
Gusto ko ako lang ang mahal mo…
pero pinakagusto ko…
masaya ka…
sige na…
puntahan mo na siya.
Bakit kaya ang tao kapag nagmamahal nagiging bulag. Bakit hindi niya nakikita ang totoo? Bakit kinakaya niyang tiisin ang lahat ng pasakit wag lamang mawala ang taong minamahal niya? Bakit nga ba napakadaling patawarin ang taong mahal mo anuman ang ginawa nito sayo? Bakit natatanggap mo pa rin siya kapag nagbabalik siya gayong iniwanan ka na niya?
Hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga ganyang tanong. Pano ba naman kasi… hindi ko pa masabi sa ngayon kung nawala na nga bang talaga ang pagmamahal ko sa isang taong binigyan ko ng sandaang porsyento ng pagmamahal ko. Siguro abnormal lang talaga ako na ibinigay ko ang buo kong pagkatao sa kanya. Ilang beses na siyang umalis, iniwanan niya ako… pero sa tuwing bumabalik siya, buong puso ko pa ring tinatanggap na para bang wala lang ang mga nangyari. Siguro sa kanya wala lang yun, dahil ako lang naman ata talaga ang nagmamahal, kaya ako lang ang apektado sa mga nangyari.
Sana nanatili na lamang kaming magkaibigan. Sana hindi na ako naghangad pa nang mas masahol pa sa pagkakaibigan. Sana hanggang doon na lang, kung saan damang-dama ko siya, damang-dama ko ang tunay na kahalagahan ko sa kanya. Alam ko, nang magmahal siya nawala na ako sa mga alalahanin niya, sa mga naiisip at naaalala niya. Masaya ako pag nariyan siya, masaya ako kapag ipinapakita niyang mahal niya ako – noon pilit kong isinasaksak sa utak ko na totoo ang lahat. Pero nang hindi na siya bumalik, naisip kong umaasa lang ako sa wala noon pa man. Masaya ako ngayon – siguro nasanay na akong wala siya. Pano kung bigla siyang nagbalik? Matatanggap ko pa kaya siya gaya noon? Ayoko magsalita nang patapos, totoong wala na akong nararamdaman sa kanya ngayon – dahil wala siya, eh pano kung bumalik siya?
Pipilitin ko… na sa kanyang pagbabalik – kung babalik man siya, na iiwas ako at tatalikuran siya.






gusto ko rin sabihin ang mga katagang ito:
“Sana nanatili na lamang kaming magkaibigan. Sana hindi na ako naghangad pa nang mas masahol pa sa pagkakaibigan. Sana hanggang doon na lang, kung saan damang-dama ko siya, damang-dama ko ang tunay na kahalagahan ko sa kanya.”
ewan ko ba… mahal ko lang din yata siya…
pareho tayo.. paano nga kaya kung bumalik siya?? pero hindi rin.. ewan ko.. bahala na.,…
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
irony of love ika nga…
hayy.. kung kaya lang nating bigyan ng explaination lahat…
awts! sounds like me na me.. :(
hindi ko nga rin alam eh kung bakit pag nagmamahal ka parang nabubulag ka sa katotohanan.Nasasaktan ka na pero minamahal mo pa rin. :(
awww…. heheheh
ehem… hirap ah… teka isip ako.. asust!
ganyan talaga ang epekto
ng mga mahal natin sa atin…
parang shabu…
nakakaadik…
Kahit saang bagay naman kung “parehong masakit” na NANDIYAN at WALA ito eh siempre doon na lang tayo sa nandiyan sila kasi kahit papaano sumasaya tayo di tulad ng wala na nga sila, nasasaktan ka pa. Doble pasakit yon, pero talagang matatapang at marunong magmahal ng sarili yung kumakawala sa ilusyon ng pagmamahal na walang kahahantungan. Mahalin mo na lang silang lahat, dont stick to one! hahaha! hindi, biro lang.
Friends can be lovers but lovers cannot be friends.
masasabi mong tunay ang pagmamahal mo sa kanya. maiihahalintulad ito sa pagmamahal ng magulang sa anak na kahit anong kasalanan ng anak sa magulang nagagawa pa rin tayong patawarin ng atin magulang.
pero kung ako sayo mas mabuting maging kaibigan mo na lang sya kasi hindi sya deserving para sa pagmamahal na binigay mo sa kanya. marami pa dyan at wag kang matakot na hindi ka na makakakita ng tulad nya. parati mong tatandaan na mas maraming mag magaling, mas matalino at mas totoong mamahalin tayo sa mundo all we need to do is to be open for CHANGE.
maging friends na lang kayo mahirap yung parati ka nalang backup.
wow!! emo mode ka yata ngayon ah!!!
ganyan talaga pag mahal mo.. kahit ilang beses kang saktan patatawarin mo.. ;)
nakakarelate ako sa post mong ito!!
at hinde sya explicit ngayon ha??
sana bumalik na sya para magkaalaman na! hehe ;)
makoy, walang nakakaligtas sa pana ni kupido. :)
naniniwala ka ba sa linyang ito: “da mor yu heyt, da mor yu lab?” saka “lab is mas suweet sa pangalang pagkakataon?” kung talagang magkakabalikan kayu, kahit anu pang takas ang gawin mo…if it’s meant to be…it’s meant to be. malay mo,this time…pang-forever na ang relasyon nyo.
gud lak seyo. sana maging happy ka na. :)
mahal mo? magmahal ka. ibibigay mo ba lahat? huwag naman. puwede na ang 99%. basta mag-iwan ka para sa sarili mo. i am not a fanatic of give-it-your-all attitude. subjective ‘yan. a less than one hundred percent love can be much better than a thousand percent.
at huwag kalimutan. may utak ka sa itaas maliban sa iyong puso dyan sa gitna. malaki ang mundo.
nawa ay nakatulong ang aking munting payo sa iyo.
–tenco of alasais
Lamo Makoy… feeling ko hopeless romantic ka na tipo ng lalaki. Yung pag nagmahal eh bonggang bongga… swerte kaya ang mapapangasawa mo… -teka siya ba yung naka-boom tarat tarat mo nung 11 yrs old ka pa lang?