
Kinamay Na Lang…!
Agosto 26, 2008
Madaling-araw. Masaya kaming kumakain ng Lucky Me Spicy Hot Beef na binudburan ko ng sandamakmak na Paminta (to the point na madilim na ang sabaw) at nilagyan ng ilang pirasong sili. Sobrang anghang na pero masarap kainin. Nagtututulo na nga ang mga pawis namin sa buong katawan.
“natatae ako…” ang biglang nasabi ni Son. “kadiri ka naman, nakita mo nang kumakain tayo dito bigla kang babanat ng ganyan…” ang sagot naman ni Noy. “me tubig ba sa banyo?” ang muling wika ni Son. Pero dahil isang napakatamad na tao ni Son eh pinagtripan ko siya. “wala nang tubig, buhatin mo na lang yung isang timba sa baba (kasalukuyan kaming nasa second floor)…” ang sagot ko.
Dahil taeng-tae na nga si Son eh no choice siya kundi buhatin ang malaking timba mula sa baba. Pagpasok na pagpasok niya sa banyo… “taena naman to oh, eh puno pala tong dalawang drum niyo eh!” ang asar na sabi niya. “pasensiya ka… di mo muna tiningnan..” ang sagot ko na tatawa-tawa naman si Noy. Matapos ang kinse-minutos eh sumilip si Son mula sa pintuan ng banyo… “Mak, barado ata yung kubeta niyo..” ang medyo nahihiya niyang wika. “Hindi yan barado… baka naman sobrang lalaki ng tae mo kaya bumara, pang NORMAL na tao lang kasi yan.” ang natatawa kong sagot. Bumalik siya sa banyo. Habang mahina namang tawa kami nang tawa ni Noy.
Maya-maya sumilip na naman siya. “eh Mak, isang bilog na lang pero hindi ko ma-flush kasi bumabalik-balik. Nakalutang kasi eh…” ang sabi niya. “O diba hindi barado. baka naman me hangin sa loob yang tubol mo”, ang natatawa ko pa ring sagot. Lumobo na ang sipon ni Noy sa katatawa. Pumasok ulit siya sa banyo, pero maya-maya eh… “Mak, asan yung sabon niyo?” ang sabi niya. “baboy mo ah, hindi pwede…” ang sagot ko.
“Buti naman at napalubog mo…” ang wika ni Noy na natatawa pa rin. “Hindi ko napalubog – dinampot ko kaya tsaka shinut ko sa butas sa gilid…” ang naiirita niyang wika ke Noy. Napahagalpak kaming dalawa sa katatawa sa kababuyan ni Son. “eh ano magagawa ko eh ayaw nga lumubog, eh kung me pumasok!” ang seryoso niyang wika. “dapat tinusok mo ng tingting… hindi mo kinamay. EEEEEEWWWWW!” ang pang-aasar naman ni Noy.
Sa sobrang asar ni Son eh umuwi na siya sa bahay nila at hindi kami kinausap ng ilang araw. He’s so KADIRI kaya!






ew.
un lng. :)
super ewww talaga! hanep sa diskarte…
hahahaha, ganyang ganyang kami magusap ng mga barkada ko pero kahit na ano pang naiwan na lumulutang sa min, walang tampuhan.
Hmm… Aren’t you dan? Oh, please, remember me.
ang baboy!!! ewwwwww… grabe naman yun kinamay talaga!
whew ok lang yan!!!!
asust :)
bwahahah, ang tawag sa taeng bumabalik, >> MC ARTHUR. “i shall return”
thanks for dropping by makoy.
haha, nakakatawang… nakakadiri!
nangyari din saken yan minsan, pero dahil may class ako, i get tingting and make it tusok-tusok.
hahaha.
eeeeewwww nakakadiri yung moment na dinampot niya =))
haha! nagpabago ka na pala ng birth certificate pero mukhang kilala na kita..hehe! kadiri yang kaibigan mo! haha! umuwing hindi nagsasabon..
laftrip naman to! nyahaha..
nalala ko ung character s mac arthur ni b.ong. XD
huwaaaaaa… grabeh ka desperado kinamay nlang talga… hahahaha!
MAKOY: hehehe! wala eh…
shet! kinabag ako sa kakatawa!
MAKOY: hehehe!