Archive for Hulyo 21st, 2008

h1

Patutsada

Hulyo 21, 2008

dehins na bago ang blogging saken. matagal-tagal na rin akong palundag-lundag sa iba’t-ibang blog… nung una pabasa-basa lang, pakoment-koment, hanggang sa pumasok sa kukote kong… “bakit sila lang? may K din naman ata akong makisiksik sa blogworld…” , kaya eto ako ngayon at eepalan ang bawat araw niyo.

maaaring guluhin ko ang araw niyo at pwede ko rin namang bigyang-kulay na parang sinabawang gulay. pero anu’t ano pa man ang maging epekto ko sa buhay niyo… sisiguraduhin kong me aftershock ang bawat sasabihin ko.